Thursday, September 9, 2010

Wala Ng A Very Special Love 3?

Wala Ng A Very Special Love 3?


Ano kaya talaga ang totoong nangyari between Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz? Kung mapapansin natin, talagang heartbroken si Sarah at mukha ngang pinaasa ni John Lloyd.

Kung track record at pagkatao ang pag-uusapan, totoong tao si Sarah at mabait samantalang si Lloydie naman sinungaling! Denial King ngunit sa huli aamin naman kasi siguro di na kaya ng konsensiya? Tsk.. tsk.. kawawa naman ang mga babaeng nauugnay kay John Lloyd.
Ay naku Sarah, wag mo na siyang pansinin pa. Kaya mo namang magsarili ng wala ang binata. Hindi pa magiging komplikado ang feelings mo. Kaya go go go lang girl!
Ngunit dahil nga hindi na komportable si Sarah na makaharap si John Lloyd, nabibinbin ngayon ang part 3 ng blockbuster na movie nina John Lloyd at Sarah Geronimo.
Posible nga bang wala ng A Very Special Love 3?
Inamin naman ni Lloydie na lahat ng naging pelikula niya kay Sarah ay espesyal. Of course, paano di magiging espesyal e dahil sa mga iyon kaya siya naging blockbuster King!
Alam mo talagang yung mga nagawa namin sa dalawang pelikula (A Very Special Love and You Changed My Life) at sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya, iilan lang ‘yang mga project na ‘yan kung tutuusin, pero ‘yan ang mga hindi ko malilimutan sa career ko. And malaki, malalim, at napaka-special ng ibig sabihin ng mga ‘yan. So I am really happy na meron siyang (Sarah) nasabing ganon.” Pahayag ng actor.

No comments:

Post a Comment