Thursday, September 9, 2010

Toni, Gustong Malaman Ang Totoong Score Between Piolo at KC

 Toni, Gustong Malaman Ang Totoong Score Between Piolo at KC

Noong July 11 ang debut ni Toni Gonzaga bilang co-host sa The BUZZ. At ang kauna-unahang actor na sumalang sa kanyang segment na “Toni Gonzaga Intriguing Statements” ay walang iba kundi ang Ultimate Heartthrob na si Piolo Pascual. Halos ginisa ni Toni si Piolo sa kanyang mga tanong tungkol sa tunay na relasyon nina Piolo Pacual at ang co-host nito sa The BUZZ na si KC Concepcion.
Sa kanyang interview, ito ang naging paliwanag ni Toni.
Kasi naman ang tagal tagal na. Kailangan na niya umamin. Ang alam ko they’re both working on it talaga. Hindi pa naman talaga formal e. Ang pagkakaalam ko e wala pa talaga formal ‘yes, kami na’ or ‘no, hindi kami mag boyfriend.’ But I think Piolo is really pursuing KC and doing his best to win her. ‘Yun lang naman ang gusto kong malaman ng tao.”
Samantala, panay blush at ngiti lamang ang naging sagot ni Piolo sa maiinit na mga tanong ni Toni sa binata.
Tuwang-tuwa naman si KC pagkatapos ng interview ni Piolo at agad na dumiretso sa dressing room ni Toni.
Tuwang-tuwa naman siya. Ang saya saya ni KC nung Sunday. Ngiti niya talaga hindi matawaran. Pumunta siya sa dressing room ko, at sobra rin ang ngiti niya.”
Ngayong tapos na ang pelikula nila ni Robin Padilla, gusto naman ng mga fans na gumawa si Toni ng pelikula kasama ang ultimate heartthrob. Excited naman ang magandang actress.
May mga pinagkakaabalahan pang ibang proyekto si Piolo. Pero lahat naman ng bagay ay may timing. Naniniwala kasi ako na kapag ang isang proyekto pinilit, hilaw e. Dadating tayo diyan. Gagawin natin ‘yun kasi si Piolo napakalaki ng naitulong niya sa career ko. Siya ang first commercial ko, first interview sa The Buzz…muntik nang first love, charot!”
Kikita naman kaya ang magiging tambalan nina Piolo at Toni pag nagkataon?

No comments:

Post a Comment